Commemoration of the Annual Language Month Celebration

24 August 2020

LGU GUIUAN IBINIDA ANG KANILANG TRADISYUNAL NA KASUOTAN BILANG PAKIKIISA SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA

Nakiisa ang buong pwersa ng Lokal na Pamahalaan ng Guiuan sa pangunguna ni Mayor Annaliza Gonzales Kwan, kasama sina Vice Mayor Veronica Cabacaba Ramirez at Sangguniang Bayan Members at maging empleyado ng gobyerno bilang paggunita sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagsusuot ng tradisyunal na kasuotan.

Iba’t-ibang makukulay na disenyo ng baro’t saya ang ibinida ng mga opisyal at mga empleyado upang ipakita na sa kabila ng pag-usbong ng makabagong panahon ay hindi nila nakaligtaan ang tunay na tatak at kultura ng pagiging isang Pilipino.

Ngayong taon ay may temang, Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika: Ang mga katutubong wika sa maka-Filipinong bayanihan kontra pandemya.

Ito ay nangangahulugan na sa kabila ng dagok na ating kinakaharap ngayon, ang wikang Pilipino ang nagsisilbing instrumento upang tayo ay magbuklod-buklod at magkapit-bisig. Hindi hadlang ang pagkakaiba-iba ng ating mga paniniwala, pinagmulan at pinaglalaban. Tayo pa rin ay nagkakaiisa sa iisang mithiin- ito ay ang buong pusong pagkalinga sa likod ng pandemya.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ay bilang pagtalima sa Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041 na ipinagdiriwang ang buwan ng Agosto taon-taon bilang Buwan ng Wikang Pambansa. Ito ay itinakda upang isapuso at gisingin ang kamalayan ng bawat Pilipino sa tunay na diwa at kahalagahan ng ating wika. Adhikain din nito na lalong pagyamanin at palawakin ang paggamit upang mas mapausbong ang ating kaalaman.

Bilang bahagi ng selebrasyon ay ginawaran ng pagkilala ang dalawang empleyadong may suot na kakaibang disenyo ng baro’t saya at makakatanggap ng dalawamput limang (25) kilong bigas na mula sa tanggapan ni Mayor Annaliza Gonzales Kwan.

VIA: LGU-Guiuan Media Center

Impressum

"Guiuan, Bungto ta...Higugma-a ta!"

Copyright © 2020. Municipality of Guiuan, Province of Eastern Samar. All rights reserved.
Powered by

Emergency Hotlines

  • Police Station

    • 09173498833

  • Fire Station

    • 09269921534

    • 09469382458

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!